Sunday, March 28, 2010

Bakit ako nag-nursing?

Noong nasa-elementary ako (grade 2), sinabi ko sa sarili ko na magiging teacher ako. Natutuwa kasi ako sa mga ginagawa ng mga teachers - quizzes, mag-checheck ng papel, tatawag ng estudyante para sa recitation at marami pang iba. Pero hindi ko alam kung bakit nang makarating ako sa ika-6 na baitang, isinulat ko sa yearbook profile ko na gusto kong maging doctor. 


Highschool...
Nakarating na lamang ako ng highschool hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto ko sa buhay. At some point, gusto ko maging newscaster. Pero dahil gustung-gusto ko ang subject na Chemistry, sinabi ko sa sarili ko na kukuha ako ng Chemical Engineering sa college. Base na rin sa career examination namin, 'yun din ang sinasabi. Pero ang isinulat ko sa yearbook profile ko sa field na ambition: to become a dermatologist (vain kasi ako).

Graduation...
Ilang linggo matapos ang graduation, sinabi ko sa mama ko na Chemical Engineering ang gusto kong kukunin. Sa hindi inaasahang reaksyon, medyo hindi niya nagustuhan ang choice ko. Civil Engineering graduate kasi ang mama ko at base sa karanasan niya both in school and in work, practically speaking, mahirap makakuha ng trabaho. May kaunting 'silent/cold war' pa ngang nangyari nang panahong 'yun. Napa-isip ako at sinabing kukuha na lang ako ng nursing. Tuwang-tuwa ang nanay ko kasi frustrated nurse din siya.

Fast forward - 2nd year college...
Mahilig akong mag-aral, hindi ko alam kung bakit. Pero noong nasa ikalawang linggo na kami ng aming first exposure sa hospital, naisip ko na lamang na mag-quit. Naisip ko na hindi ito ang gusto ko (namatay kasi ang pasyente ng kaklase ko at first time kong makasaksi ng ganoong pangyayari). Umiyak at tila ayoko ng pumasok. Sinabi ko sa mama ko na kukuha na lang ako ng Accountancy (hindi ko rin alam kung bakit). Doon ko napagtanto na hindi ko pala talaga alam kung ano ang gusto ko sa buhay. 


Fast forward ulit...
Ilang linggo na ang nakalipas at dahil medyo naka-get over na ako sa insidente noong pangalawang linggo, napagpasyahan kong itutuloy ko ang nursing. Ayon, nakatapos ako (at hindi inakalang masasali pa sa honor list).


Review...
May ilang ulit na binabagabag ako ng aking isipan. Gusto ko ba talaga maging nurse? Hay naku, eto na naman. Bakit hindi ako tinatantanan ng tanong na ito. Pinagdarasal ko na lang lagi na sana may 'sign'.

Matapos ang review at board exam., doon ko pa lamang na-appreciate ang kursong kinuha ko. Ang ipinagdasal ko na lamang that time, ay kung para talaga ako sa field na 'to, let it be. At 'yun nga, naging RN na ako!


Marami pa rin akong gusto gawin sa buhay maliban sa pagiging nurse pero hinding-hindi ko iiwan ang propesyong ito. Indeed, things happen for a reason.

Ngayon gusto kong maabot ang natitirang pangarap ko: ang maging doctor (yup! desidido na ako).

Medyo mahaba-haba ang 'want-to-be list' ko pero sa ngayon itutuon ko muna ang buhay ko sa pagiging nurse at sa pangarap na maging doctor.

No comments:

Post a Comment